3 Pinoy athletes, mabibigyan ng special awards sa PSA Awards Night ngayong buwan

3 Pinoy athletes, mabibigyan ng special awards sa PSA Awards Night ngayong buwan

TATLONG Pinoy athletes ang mabibigyan ng special awards sa magiging PSA Awards Night ng Philippine Sportswriter Association (PSA) ngayong Enero 27, 2025.

Isa sa tatlo si PBA Star June Mar Fajardo kung saan kikilalanin itong 2024 Mr. Basketball para sa professional rank habang para sa amateur si UAAP MVP Kevin Quiambao.

Si Jia Morado-De Guzman naman na team captain ng Alas Pilipinas Women ay kikilalanin bilang Ms. Volleyball.

Samantala, napili namang ‘Athlete of the Year’ ng PSA si Carlos Yulo.

Ito’y matapos nanalo si Yulo ng dalawang gintong medalya mula sa 2024 Paris Olympics.

Sa kasaysayan ng bansa, si Yulo ang pangalawang atleta na nakakuha ng gold medal mula sa Olympics kasunod ni Hidilyn Diaz ng weightlifting ngunit siya pa lang ang tanging nakakuha ng dalawang gold medals kung kaya’t nararapat lang din ito sa igagawad na parangal ng PSA.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble