KASAMA ang tatlong Pinoy crew members sa apat na sugatan matapos tumama ang Russian missile sa isang Liberia-flagged civilian vessel na papasok sa Black Sea Port sa Odesa Region, Ukraine.
Kinumpirma ito ng Southern Military Command ng Ukraine sa pamamagitan ng isang social media post.
Sinabi ni Ukraine Infrastructure Minister Oleksandr Kubrakov, nakatakda sanang magdala ng iron ore ang natamaang civilian vessel papuntang China.
Maliban sa apat na sugatan ay nasawi ang Ukrainian pilot on board sa sasakyang pandagat dahil dito.
Sinasabi na nagsimula ang mga pag-atake ng Russia sa Black Sea Port nang tumiwalag ito sa isang kasunduan noong Hulyo 2023 na nagbibigay sana ng ligtas na shipment ng Ukrainian grain sa pamamagitan ng Black Sea.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 21 pag-atake ang ginawa ng Russia sa Black Sea Port.