TINANGGAL na sa puwesto ang tatlong police personnel kasunod ang insidenteng tiniketan sila noong nakaraang linggo dahil sa paggamit ng EDSA busway.
Ibinahagi ito ni Philippine National Police (PNP) Public Information Officer Col. Jean Fajardo.
Ayon kay Fajardo, maaari lang gumamit ng EDSA busway ang mga pulis tuwing law enforcement operations o emergencies.
Ang sinumang lalabag nito na pulis ayon sa opisyal ay mahaharap sa kasong administratibo.