3 sa 5 nasawing rebelde sa Northern Samar tukoy na ang pagkakakilanlan

3 sa 5 nasawing rebelde sa Northern Samar tukoy na ang pagkakakilanlan

TUKOY na ng 8th Infantry Division, Philippine Army, ang pagkakakilanlan ng tatlo sa limang nasawi sa ginawang hot-pursuit operation ng mga sundalo laban sa komunistang teroristang grupo sa Catubig, Northern Samar nitong Hunyo 8.

Ang mga labi ng nasabing mga terorista ay nai-turn over na sa kani-kanilang pamilya sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan. Kinilala ang mga ito bilang sina Noel Lebico Sr., Arnel Aquino, at Nonoy Norcio, na kalauna’y kinumpirma rin ng isang alyas “In-In,” na vice squad leader ng Squad 1, Sub-Regional Guerrilla Unit, Sub-Regional Committee Arctic, Eastern Visayas Regional Party Committee, na kusang nagbalik loob sa 8ID nitong Hunyo 2, 2025.

Pinuri naman ni MGen. Adonis Ariel G. Orio, commander ng 8ID, ang napakahalagang ambag at pakikipagtulungan ng mga residente sa mga puwersa ng pamahalaan na naging susi sa matagumpay na pagkalansag sa mga miyembro ng komunistang grupo na sangkot sa mga aktibidad ng pangingikil sa kanilang lugar.

“The cooperation of the citizens was a manifestation of the deepening trust and rapport between the military and the communities we serve and protect. The ideals that these Communists-Terrorists once used to deceive the people no longer served them, because their narratives of “liberation” were constantly dismantled by the lived experiences of the very people they claimed to represent,” pahayag ni MGen. Adonis Ariel G Orio, Commander, 8th Infantry Division, PA.

Kasunod nito, kinondena naman ng mga naulilang pamilya ang komunistang teroristang grupo na nag-akay sa kanilang mga mahal sa buhay na umanib at sumama sa armadong pakikibaka na naging pangunahing responsable sa kanilang pagkasawi.

5 miyembro ng NPA sa Bukidnon, sumuko sa gobyerno

Samantala, sa Bukidnon naman, limang miyembro ng New People’s Army (NPA) na nag-ooperate sa Northern Mindanao ang sumuko sa joint operations na ginawa ng tropa ng 1st Special Forces Battalion sa ilalim ng 4th Infantry Division at sa Regional Mobile Force Battalion Region 10 ng PNP nitong Hunyo 5, 2025.

Ayon sa mga awtoridad, ang mga sumuko ay may hawak na posisyon bilang liaison/commo staff, habang ang iba naman ay regular na miyembro. Isinuko rin nila ang isang M16 rifle at isang M203 grenade launcher.

Sinabi ng mga sumuko na hindi na nila kinaya ang matinding pagod, gutom, at ang kanilang pagnanais ng kaligtasan, lalo na’t pinalalakas ng 4ID ang mga opensiba nito laban sa natitirang puwersa ng NPA.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni MGen. Michele Anayron Jr., commander ng 4ID, na ang nasabing pagsuko ay malinaw na patunay ng walang humpay na pagsusumikap ng pamahalaan na wakasan na ang lokal na armadong tunggalian ng mga komunista at gawing kaibigan ang dating mga kaaway.

“We acknowledge the bravery of these surrenderers to lay down their arms and work hand in hand with us to end insurgency. This is a positive step towards achieving our goal. But we want to reiterate that we will remain resolute in eliminating the threat posed by NPA through hunting down those remnants who still fight against us in the mountains and conduct harassments to our peace-loving communities,” saad ni MGen. Michele Anayron Jr., Commander, 4th Infantry Division, PA.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble