3 tauhan ng PAF sa bumagsak na helicopter sa Bohol, maayos na ang kondisyon

MAAYOS na ang kondisyon ng tatlong tauhan ng Philippine Air Force (PAF) na nasugatan sa bumagsak na helicopter sa Bohol.

Personal na binisita ni Philippine Air Force Chief Lieutenant General Allen Paredes ang co-pilot ng helicopter na hindi muna  isinapubliko ang pagkakakilanlan dahil sa medical condition ng mga magulang nito.

Gayundin ang dalawang maintenance crew na kinilalang sina Airman First Class (A1C) Rex Anapio at Airman First Class (A1C) Bonn Arasola.

Nakatakda namang bigyan ng full military honors si Captain Aurelius Olano, pilot-in-command ng bumagsak na MG 520 helicopter.

Tiniyak ni Paredes ang pagkakaloob ng nararapat na tulong sa naulilang pamilya ng piloto.

Habang kinausap din ng opisyal ang mga piloto at crew sa air base sa Mactan, Cebu upang pataasin ang moral at ipaalala ang kahalagahan ng kaligtasan matapos ang insidente.

(BASAHIN: MG520 choppers ng PAF, grounded kasunod ng pagbagsak ng isang unit nila sa Bohol)

SMNI NEWS