NASAWI ang tatlong Teduray habang nagkasakit ang 31 iba pa matapos kumain ng nilutong sea turtle o pawikan sa Brgy. Linao, Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Nitong Nobyembre 29, 2024 nang mangyari ang aksidente.
Ang mga nagkasakit ay agad namang dinala sa ospital habang ang mga naiwang pamilya ng mga nasawi ay binigyan na ng tulong.
Ayon sa Bangsamoro Health Ministry, unang beses pa lang itong nangyari sa Datu Blah Sinsuat.