NAPAGKASUNDUAN nina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin ang pagkakaroon ng 30-day energy and infrastructure ceasefire sa Ukraine war.
Kasali rin dito ang pagkakaroon ng maritime ceasefire sa Black Sea.
Sa isang statement mula sa White House, nagkasundo ang dalawang pinuno na ipairal ang tigil-putukan dahil “unang-una sa lahat, hindi naman anila dapat ito sinimulan.”
Nagkita si Trump at Putin nitong Martes, Marso 18, 2025.
Samantala, sa Gaza war, inanunsyo ng Israel Defense Forces (IDF) nitong Martes rin na patay na ang pinuno ng Hamas government na si Essam al-Da’alis at tatlong iba pang senior members.
Ngunit sa panig ng Palestinian medical officials, dahil sa pinakahuling pag-atake na ito ng IDF ay umabot ng 400 ang death toll sa Gaza.
Madalas pa sa mga nasawi ay mga kabataan at kababaihan.
Follow SMNI News on Rumble