BINIBIGYAN na muli ng 30-minute heatstroke break ang lahat ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagsisilbi sa mga lansangan.
Sa naturang heatstroke break, ang mga traffic enforcer at street sweeper ay pinapayagang iwanan ang kanilang puwesto para sumilong at magpahinga mula sa matinding init.
Ngunit rotation ang magiging sistema upang hindi sila sabay-sabay na mawawala sa puwesto.
Madadagdagan naman ng 15 minuto ang pagpapahinga sakaling lumagpas sa 40 degrees Celsius ang heat index sa Metro Manila.
Ipaiiral ang heatstroke break hanggang Mayo 31, 2025.
Samantala, inanunsiyo ng PhilHealth na pasok sa kanilang coverage ang heat-related illnesses.
Nasa P12K hanggang P18K ang coverage para sa mga sakit tulad ng heatstroke, heat exhaustion, at iba pa.
Follow SMNI News on Rumble