300 aspiring Marines malugod na tinanggap ng The Corps

300 aspiring Marines malugod na tinanggap ng The Corps

300 aspiring Marines malugod na tinanggap ng The Corps

Tinaggap ng Philippine Marine Corps ang 300 aspiring Marines, na binubuo ng 290 lalaki at 10 babae, bilang bahagi ng Marine Basic Course Classes 513, 514, 515, 516, at 517 sa isang Oath-Taking Ceremony at Reception Rites noong Marso 26 sa Bonifacio Naval Station Grandstand.

Ang seremonya ay pinangunahan ni Col Armando B Custodio PN(M)(GSC), Superintendent ng Marine Corps Force Development Center, bilang kinatawan ng Philippine Marine Corps Commandant, na nagsabing nais na magtagumpay sila at hinimok silang ibigay ang kanilang makakaya para sa pagsasanay.

Ang mga volunteers ay sasailalim sa isang 6 na buwang pagsasanay sa The Basic School sa Ternate, Cavite bilang simula ng kanilang career sa Philippine Marine Corps, at maging bahagi ng hard-hitting at most ready force.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Philippine Navy Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble