MAY 6, 2025 – Mahigit 300 drayber at konduktor mula sa Pangasinan Solid North Transit Incorporated ang sumailalim sa random drug testing ngayong hapon bilang bahagi ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero. Ang hakbang na ito ay kaugnay ng malagim na aksidente kamakailan sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) na kinasawi ng ilang mga pasahero.
Pinangunahan ni Land Transportation Office (LTO) Assistant Secretary Vigor Mendoza II ang nasabing drug testing upang tiyakin na ang mga pampasaherong sasakyan ay pinapatakbo lamang ng mga kwalipikadong kawani. Ang mga hindi makikipagtulungan ay maaaring pagmumultahin at ang kanilang lisensya ay maaaring ma-revoke.
Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng LTO upang tiyakin ang kaligtasan ng bawat pasahero sa pampasaherong sasakyan.