300-K kabataan, na-displace dahil sa gang violence sa Haiti

300-K kabataan, na-displace dahil sa gang violence sa Haiti

TINATAYANG nasa tatlong daang libo na mga kabataan ang na-displace dahil sa nangyayaring gang violence sa Haiti.

Ayon ito sa United Nations Children’s Fund (UNICEF) batay sa kanilang datos simula noong buwan ng Marso.

Nitong Pebrero nang magsimula ang kaguluhan doon at naging sanhi upang mag-resign sa kanAiyang pwesto bilang Haitian Prime Minister si Ariel Henry noong Abril.

Sa ngayon, nasa 80% na ng Haiti capital, Port-AU-Prince ang kontrolado ng mga gang.

Nasa mahigit 2, 500 na rin ang nasawi o nasugatan sa buong bansa sa loob ng tatlong buwan ng kaguluhan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble