NANINDIGAN si P/Col. Angel Sumagaysay (Ret.), hepe ng Public Safety and Security Office ng Davao City, sa kanilang crowd estimate na mahigit sa 300,000 ang bilang ng dumalo sa tribute ng mga Dabawenyo kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Freedom Park noong Marso 28.
Ito ay salungat sa pahayag ni Philippine National Police Regional Office 11 (PRO 11) spokesperson Catherine Dela Rey na nasa 96,000 lang umano ang lumahok sa naturang aktibidad sa buong Davao Region.
Follow SMNI News on Rumble