32 driving schools pinagmulta ng tig-P1M—LTO

32 driving schools pinagmulta ng tig-P1M—LTO

PINAGMULTA ng tig-P1M ang 32 driving schools sa Central Luzon at Metro Manila.

Maliban pa ito sa anim na buwang suspensiyon na ipinataw sa kanila ng Land Transportation Office (LTO).

Sanhi nito ang pagkakasangkot nila sa iba’t ibang anomalya kaugnay ng paglalabas ng mga theoritical at practical driving course certificates.

Noong nakaraang linggo ay may 205 driving schools na sa buong bansa ang pinadalhan ng show cause orders dahil din sa iba’t ibang paglabag.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble