32 katao sa isang gym sa Pasig City, hinuli dahil sa paglabag sa IATF guidelines

32 katao sa isang gym sa Pasig City, hinuli dahil sa paglabag sa IATF guidelines

MAHIGIT 30 katao ang nahuling nagkumpulan sa loob ng isang fitness gym sa gitna ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Pasig City.

Rumesponde ang mga kapulisan matapos makarating sa kanila ang isang report ng isang concerned citizen sa Lugar.

Sermon ang inabot ng mga nasabing kalalakihang mula kay Col Ramon Arugay na hepe ng Pasig City Police.

Itoy dahil sa katigasan ng kanilang ulo ng mga nahuling lalaki dahil sa gitna ng ECQ ng Metro Manila ay nagawa pa nilang mag kumpulan loob ng isang gym para mag-ehersisyo.

Umabot sa kalahating oras ang sermon ng ni Col. Arugay dahil sa katigasan ng mga nasasakupan nito.

Ang bawat Isa ay natikitan at isa isa ding kinuha ang mga cellphone number at kinuhanan din ng larawan ang kanilang mga ID.

Bunsod na rin dito ay isinira na ng lokal na pamahalaan ng Pasig Ang Kixstart Gym  sa Amang Rodriguez Ave. na ginamit ng mga lalaki.

Barangay Manggahan covered court

Pansamantala namang nasa covered court muna ng Barangay Manggahan nagpapalipas ng gabi ang mga nahuli at saka sila pakakawalan kapag lumabas na ang resulta ng kanilang swab test habang sila na rin ang bahala sa kanilang pagkain.

Samantala, nasa kustodiya na ng Pasig ang apat na suspek kabilang si Francis Dominic Balones Rosales, ang may-ari ng gym.

Kabilang din ang ang dalawang instructor nito na sina Jaster Vincent Garcia Molo, John Lloyd Dado Valenzuela at ang helper na si Justine Joshua Lauron.

BASAHIN: Modus sa bentahan ng swab test slot, timbog sa Pasig

SMNI NEWS