NAGPATUPAD ang Malaysia ng 3P program para sa mga foreign inmates para mabawasan ang overcrowding sa mga detention depot.
Inihayag ni Home Affairs Minister Datuk Seri Hamzah Zainudin na ang pagpapatupad ng placement, employment and income o 3P program na kinasasangkutan ng mga foreign prison inmates ay magkakaroon ng magandang epekto sa pagbabawas ng “overcrowding” sa mga kulungan at Immigration Detention Depots.
Ayon kay Datuk Hamzah, ang mga detinadong dayuhan na kabilang sa programa ay magkakaroon ng kita at sa pamamagitan nito, makakatulong ito upang mas mabilis makabalik ang mga detinado sa kanilang bansang pinanggalingan nang hindi na kailangang dumaan sa Immigration Detention Depot.
Aniya, sa pamamagitan ng programang ito, ang mga kwalipikado na detinadong dayuhan ay ilalagay sa Resident Reintegration Center para sa trabaho at ang mga kikitain ng mga ito ay gagamitin para sa proseso ng kanilang repatriation.
Sinabi rin ni Datuk Hamzah na ang pioneering program na ito ay nagsimula pa noong Hulyo sa kooperasyon sa pagitan ng Prison Department at Immigration Department, gayundin ng Indonesian Embassy sa Malaysia.
Dagdag pa rito, ang programa ring ito ay makakatulong sa ekonomiya ng bansa.
Umaasa rin si Datuk Hamzah na ang 3P program ay ipapalawig sa mga dayuhan mula sa ibang bansa sa kooperasyon ng embahada ng mga ito.