KUMPLETO na ang third phase ng decommissioning process ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Nagsimula ang third phase noong November 2021.
Sa ilalim ng third phase, aabot sa 5,499 na dating rebelde ang nabigyan ng cash assistance at nasa 35-k na birth certificate applications ang naiproseso ayon kay Special Assistant to the President Sec. Antonio Lagdameo Jr.
Nasa 3-k rin ang nakakumpleto ng kanilang skills training katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Nasa 3,658 naman ang nakatapos na ng kanilang basic education sa pamamagitan ng alternative learning system.
Mula sa first phase ng decommissioning process noong 2015 hanggang 2022, nasa 28, 844 na dating rebelde na ang isinailalim dito.
Ang decommissioning process ay bahagi ng normalization program ng pamahalaan para sa reintegration ng dating mga rebelde sa lipunan.