4.6K agrarian reform beneficiaries sa Capiz, wala nang utang—DAR

4.6K agrarian reform beneficiaries sa Capiz, wala nang utang—DAR

WALA nang utang bilang agrarian reform beneficiaries ang nasa 4.6K (4,630) na mga magsasaka sa Capiz.

Sa pamamagitan ito ng ipinamigay na Certificates of Condonation with Release of Mortgage ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Partikular na nabigyan ng condonation ay ang mga benepisyaryo na hindi nakabayad ng kanilang principal amortizations, interest, o surcharges.

Sa kabilang banda, namahagi na rin ang DAR ng 441 e-titles sa 345 na agrarian reform beneficiaries habang 66 na Certificates of Land Ownership Awards (CLOAs) sa 61 na benepisyaryo sa Capiz.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble