4 crew ng AFP, nasaktan sa panibagong pambobomba ng tubig ng China sa mga barko ng Pilipinas

4 crew ng AFP, nasaktan sa panibagong pambobomba ng tubig ng China sa mga barko ng Pilipinas

NASAKTAN sa panibagong pambobomba ng tubig ng China sa mga barko ng Pilipinas ang 4 na crew ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kinumpirma ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang matagumpay na rotation at re-supply mission ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, araw ng Martes, Marso 5, 2024.

Pero hindi naging madali ang misyong ito matapos na masugatan ang apat na crew member ng Unaizah dahil sa nangyaring pambobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard (CCG) sa barko ng Pilipinas.

“The use of water cannons by the CCG vessels shattered the wind shield of UM4, causing minor injuries to at least 4 personnel on board. At 0936H the injured personnel were treated by Philippine Coast Guard personnel from MRRV,” ayon sa NTF-WPS.

Mula rito, muling kinondena ng Pilipinas ang mga ginawang delikadong pag-maniobra at pag-atake ng CCG sa mga re-supply vessels ng bansa dahilan para malagay sa panganib ang buhay ng mga Pinoy crew nito.

“Once again, China’s latest unprovoked acts of coercion and dangerous maneuvers against a legitimate and routine Philippine rotation and resupply mission to Ayungin Shoal, have put the lives of our people at risk and caused actual injury,” ayon sa NTF-WPS.

Muli ring kinuwestiyon ng Pilipinas ang sinseridad ng China sa diplomatikong paraan ng pakikipag-ayos nito sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS para sana maiwasan ang mga kahalintulad na tensiyong ito.

“The systematic and consistent manner in which the People’s Republic of China carries out these illegal and irresponsible actions puts into question the sincerity of its calls for peaceful dialogue and lessening tensions,” dagdag ng NTF WPS.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang China ukol sa insidente.

Muli ring iginiit ng Pilipinas ang karapatan ng bansa sa mga pag-aaring teritoryo nito kasama na ang Ayungin Shoal na bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa kasabay rito ang panawagan sa China na igalang ang soberaniya ng Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble