4 katao, nasawi sa hagupit ni Hurricane Nicole sa Florida

4 katao, nasawi sa hagupit ni Hurricane Nicole sa Florida

HINDI bababa sa 4 ang nasawi matapos malakas na manalasa si Hurricane Nicole sa East Coast ng Florida nitong Huwebes, Nobyembre 10.

Nag-iwan ng pinsala ang bagyo sa mga gusali, bahay, pagbaha at nawalan din ng kuryente ang mahigit 335, ooo na mga kabahayan at negosyo.

Nagpaalala ang mga otoridad ng Florida sa mga residente at bisita ng mahigpit na pag-iingat at huwag hawakan ang mga nakakabit na daluyan ng kuryente at mag-ingat sa pagmamaneho ngayong panahon ng bagyo.

Pinakaunang bagyo si Nicole sa buwan ng Nobyembre makalipas ng 40 taon.

Inaasahang humihina at magiging tropical depression ngayong Biyernes si Hurricane Nicole.

 

Follow SMNI News on Twitter