4 lugar sa Negros Occ apektado ng molasses mula sa isang sugar mill

4 lugar sa Negros Occ apektado ng molasses mula sa isang sugar mill

APEKTADO ng pagtagas ng molasses mula sa isang sugar mill ang apat na barangay sa Binalbagan, Negros Occidental.

Ang mga barangay na ito ay ang San Juan, Canmoros, Marina at Progreso.

Sa pahayag ng City Environment and Natural Resources Office-Kabankalan, ang molasses ay mula sa Binalbagan-Isabela Sugar Company.

Nag-evaporate ito dahil sa matinding init noong Abril 19 dahil umabot sa 43 degrees Celsius ang heat index doon.

Mula sa 4,890 toneladang molasses sa kanilang stockpile, nasa 2,400 tonelada na lang ang natira matapos ang pagtagas.

Sinabi na ng CENRO-Kabankalan na maaaring harapin ng kompanya ang mga parusa kaugnay sa insidente batay sa pagsusuri ng Environment Management Bureau.

Bagamat isang waste agricultural product, nagiging mapanganib ang molasses kung sobra-sobra.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble