4-M na mga plastic driver’s license, hindi pa maipapamahagi ngayong buwan—LTO

4-M na mga plastic driver’s license, hindi pa maipapamahagi ngayong buwan—LTO

SASAILALIM pa sa verification process ng iba’t ibang government agencies ang 4-M plastic cards para sa mga driver license.

Paliwanag ito ng ahensiya matapos inaasahang ipamahagi sana ngayong buwan ang ipinangakong plastic cards na nai-donate ng Philippine Society of Medicine for Drivers.

Ayon kay Land Transportation Office (LTO) chief Atty. Vigor Mendoza, II, aabutin pa ng dalawa hanggang tatlong linggo bago matapos ang verification na gagawin ng Office of the Solicitor General, House Committee on Transportation, at Department of Science and Technology (DOST).

Posibleng sa buwan pa ng Abril maipamamahagi ang plastic cards.

Kaugnay rito, ang mga driver’s license na nag-expire na noong Nobyembre at Disyembre 2023 maging ngayong Enero 2024 ay maaaring magamit hanggang Abril.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble