NINANAIS ng Clark International Airport Corporation (CIAC) na madoble ngayong taon hanggang sa apat na milyon ang magiging passenger volume ng paliparan.
Naniniwala si CIAC President at Chief Executive Officer Arrey Perez na ang pagkakaroon ng panibagong domestic at international routes sa Clark Airport ay makatutulong para makamit nila ang kanilang target.
Ang magiging bagong domestic routes ng Clark Airport ay Bacolod, Cagayan de Oro, Coron, Davao, General Santos, Iloilo, at Puerto Princesa.
Habang ang Bangkok, Thailand; Cheongju, South Korea; Hong Kong; Macau; Narita, Japan; at Taipei, Taiwan ang international flights.
Noong 2023 ay nasa dalawang milyon na ang passenger volume sa Clark International Airport.