4 miyembro ng CTG, sumuko sa Camarines Sur

4 miyembro ng CTG, sumuko sa Camarines Sur

SUMUKO ang apat na communist terrorist sa tropa ng 81st Infantry “Spartan” Battalion sa Libmanan, Camarines Sur.

Sila ay pawang miyembro ng Guerilla Front Platoon, Komiteng Larangan Guerilla 2, Sub Regional Committee.

Itinurn-over nila sa militar ang isang Carbine rifle, dalawang cal. 45, dalawang cal. 38 revolver at isang improvised anti-personnel mine.

Sinabi ni Colonel William Peñafiel Jr., Commander ng 902nd Infantry Brigade na ang matagumpay na operasyon ng militar at ang sunud-sunod na pagsuko ng communist terrorist ay nagpapakita ng patuloy na pagkatalo ng mga kalaban.

Nanawagan din ang opisyal sa natitirang communist terrorist na magbalik-loob na sa gobyerno at samantalahin ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) para sa kanilang pagbabago.

Follow SMNI NEWS in Twitter