MAGKAKAROON ng panibagong mga bansa na lalahok ang Miss International pageant ngayong 2023.
Sa anunsiyo, ang mga tinutukoy na bansa ay ang Albania, Bangladesh, Lesotho, at Pakistan.
Maliban pa rito, inaantay rin ang confirmation para makasali sa kompetisyon ang Somalia.
Batay na rin sa anunsiyo ng organizers, sasali muli ngayong 2023 ang Angola, China, Cote D’ivoire, Estonia, Ghana, Lithuania, Martinique, Moldova, Myanmar, Netherlands, Serbia, Sri Lanka, Tunisia, at Ukraine.
Ang magiging representative naman ng Pilipinas sa Miss International pageant ngayong taon ay si Nicole Borromeo.