4 na consortiums, kasali sa bidding para sa NAIA rehab project

4 na consortiums, kasali sa bidding para sa NAIA rehab project

APAT na consortiums ang nagsumite ng kanilang bidding documents para sa rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang mga ito ay ang Manila International Airport Consortium, Asian Airport Consortium, GMR Airports Consortium, at San Miguel Corporation SAP & Co Consortium.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), walo ang orihinal na nagdala ng kanilang bidding documents subalit apat lang ang opisyal na pumasok sa bidding.

Tinatayang matatapos ang evaluation ng mga bidder sa unang quarter ng taong 2024.

Ang sinumang mananalo sa bidding ay bibigyan ng 15 taon para isailalim sa rehabilitasyon ang NAIA.

Maaari itong mapalawig depende sa magiging kasunduan sa ikawalong taon ng rehabilitation contract.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble