ISINAILALIM ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang apat na rehiyon sa bansa sa state of calamity dahil sa matinding epekto ng Bagyong Paeng.
Batay sa inilabas na Proclamation No. 84, kabilang sa apat na rehiyon ang CALABARZON, Bicol, Western Visayas at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ang naturang hakbang ay upang mapadali ang rescue, recovery, relief and rehabilitation efforts na ginagawa ng pamahalaan.
Layon din nito na makontrol ang presyo ng mga pangunahing bilihin o ang pagpapatupad ng price freeze.
Sa ilalim din nito, papayagan din ang mga lokal o national officials na gamitin ang kanilang calamity funds para sa pagtulong sa mga labis na nasalanta ng bagyo.