APAT na teams na ang siguradong pasok sa quarterfinals ng 2024-2025 PVL All-Filipino Conference.
Ang mga ito ay ang Creamline Cool Smashers, Galeries Tower Highrisers, Petro Gazz Angels, at Choco Mucho Flying Titans.
Bukas, March 4, ay sasabak pa sa laro ang Akari Chargers kontra Farm Fresh Foxies at PLDT High Speed Hitters kontra ZUS Thunderbelles para makapasok sa quarterfinals.
Samantala, sa naging laban ng PVL noong Sabado, Marso 1, ay panalo ang Petro Gazz Angels sa iskor na 25-19, 25-23, 25-20 kontra Capital1 Solar Spikers.
Si Brooke Van Sickle ay may ambag na 19 points para sa Angels; 17 points mula kay Myla Pablo; 12 points mula kay MJ Phillips; at 9 points mula kay Aiza Maizo-Pontillas.
Sa sumunod na game, panalo ang Choco Mucho Flying Titans kontra Chery Tiggo Crossovers sa iskor na 25-22, 25-22, 25-23.
Si Sisi Rondina ay may 18 points para sa panalong ito ng Flying Titans; sinundan ito ng 13 points ni Dindin Santiago-Manabat; 5 points mula kay Cherry Nunag; tig-4 points mula kay Isa Molde at Des Cheng; habang 3 points mula kay Royse Tubino.
Follow SMNI News on Rumble