PATULOY na pinaghahanap sa kasalukuyan ang apat na nawawalang sundalo ng Estados Unidos sa Lithuania.
Ayon sa Lithuanian Armed Forces, ang naturang mga sundalo na nakabase sa Fort Steward, Georgia, ay naiulat na nawawala noong Martes, Marso 25, 2025.
Kasama pa sana ang mga ito sa isang training exercise malapit sa Pabrade sa Lithuania.
Sa pinakahuling ulat, natagpuan na ang M88 Hercules Armored Recovery Vehicle na gamit ng mga ito.
Ang sasakyan ay natagpuang nakalubog sa tubig sa isang bahagi ng training area noong Miyerkules, Marso 26.
Follow SMNI News on Rumble