HALOS 4,000 motorista ang nakiisa sa Mañanita Rally sa Boardwalk ng Danao City, Cebu, upang salubungin ang kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ayon sa Hakbang ng Maisug, ang organizer ng event, inaasahang aabot sa 10,000 katao ang dadalo sa selebrasyon sa hometown ni PRRD, bilang pagpapakita ng kanilang suporta at pagmamahal sa dating Pangulo.