41 katao, huli sa isang birthday party sa Pasig City sa gitna ng ECQ

41 katao, huli sa isang birthday party sa Pasig City sa gitna ng ECQ

“Ang titigas ng ulo”

ITO ang naging mensahe ni Pasig City Mayor Vico Sotto matapos mahuli ang 41 indibidwal sa isang birthday party sa Royana Events Place sa lungsod sa gitna ng Enhance Community Quarantine (ECQ).

Sinabi ni Mayor Sotto na ipinasara na nila ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) ang nasabing events place sa Axis road sa Barangay Kalawaan.

Nagpasalamat din ang alkalde sa mga kapulisan at sa concerned citizen na nag-report.

Sa ilalim ng ECQ, mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng mass gatherings.

 

 

SMNI NEWS