42 paaralan na ‘di sumabay sa class opening dahil sa pinsala ng bagyo, binuksan na

42 paaralan na ‘di sumabay sa class opening dahil sa pinsala ng bagyo, binuksan na

BINUKSAN na ang natitirang 42 na paaralan na hindi sumabay sa official class opening dahil sa Bagyong Carina ayon sa Department of Education.

Ang mga tinutukoy na paaralan na lahat ay matatagpuan sa Malabon City ay tinutugunan hanggang nitong Agosto 5 ang epekto ng malawakang pagbaha na nangyari noong nakaraang buwan.

Matatandaang halos isang libo rin na mga paaralan sa buong bansa ang hindi agad nagbukas upang maipagpatuloy ang pagsasagawa ng clean-up at rehabilitation activities matapos napinsala.

Samantala, ang official school opening ay noong Hulyo 29.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble