42 points ni Nikola Jokic, susi para maipanalo ang Denver Nuggets vs Washington Wizards

42 points ni Nikola Jokic, susi para maipanalo ang Denver Nuggets vs Washington Wizards

PANALO ang Denver Nuggets sa pinakalatest na laban nitong umaga ng Enero 22, 2024, Philippine time, kontra Washington Wizards sa iskor na 113-104.

Si Nikola Jokic ang nanguna para sa Nuggets matapos nag-ambag ito ng 42 points at 12 rebounds.

Kasama ring nag-ambag para sa Nuggets ay si Jamal Murray at Michael Porter, Jr. na may tig-19 points.

Samantala, para sa Wizards, nag-ambag si Kyle Kuzma ng 17 points.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter