IPINANGAKO ng 42 private developers na magtatayo sila ng nasa 252K (251,846) na housing units para sa mga Pilipino.
Bilang suporta nila ito sa Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ng pamahalaan.
Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na apat na sa mga developer ang nagkaroon ng pormal na joint letter para sa proyekto.
Target ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ang isang milyong housing units kada taon.
Mula naman nang ilunsad ang proyekto noong Setyembre 2022, nasa pagitan na ng 1.2 hanggang 1.3 milyong housing sites ang nasimulan hanggang Abril 2023.
Hanggang Pebrero 2025 ay may 56 proyekto ng pabahay rin ang kasalukuyang nasa iba’t ibang yugto ng konstruksiyon.