43 bagong opisyal ng PNP, nanumpa na

43 bagong opisyal ng PNP, nanumpa na

NANUMPA na ang 43 bagong opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Pinangunahan ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. ang oath-taking, donning of ranks, and turnover ceremony sa PNP National Headquarters sa Camp Crame.

Ang mga bagong technical officer ay nagmula sa lateral entry program ng PNP.

Kasama sa mga nanumpa ay ang 14 chemists, 8 medical doctors, 6 abogado, 5 psychologists, 5 dentists, 2 geodetic engineers, 1 pari, 1 medico legal, at 1 electronics and communication engineer.

Bibigyan ng temporary status ang mga opisyal sa kanilang duty.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter