HINDI bakunado laban sa COVID-19 ang 43% na mga indibidwal na nasawi dahil sa virus.
Ayon kay Department of Health (DOH) OIC Maria Rosario Vergeire, base sa kanilang death analysis, mayroong 3,349 COVID-19 deaths ang naitala mula Enero 1 hanggang Mayo 14, 2023.
Kung saan, 1,425 o 43% ay hindi bakunado sa COVID-19.
Iniulat naman ng DOH na aabot na sa 78.4-M Pilipino ang ganap nang nabakunahan at nasa 23.8-M dito ang nakatanggap ng 1st booster dose.
Muli ring nagpaalala ang Health department sa kahalagahan ng pagbabakuna at palagiang pagsunod sa mga health protocols laban sa COVID-19 virus.