46% Pinoy, naniniwalang gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na 6 na buwan

46% Pinoy, naniniwalang gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na 6 na buwan

NASA 46% na mga Pinoy adults ang naniniwalang gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na anim na buwan.

Batay ito sa latest survey ng OCTA Research Group na ginawa noong October 23 hanggang 27, 2022.

Ayon sa survey, 10 percent ay naniniwalang lulubha ang ekonomiya habang 38 percent ang nagsabing pareho lang at 5 percent ang nagsabing walang alam.

Nanguna ang Visayas (60%) na malaki ang paniwala na gaganda ang ekonomiya sa susunod na 6 na buwan sumunod ang metro Manila (46%), nalalabing bahagi ng Luzon at Mindanao na may tig-43%.

Follow SMNI NEWS in Twitter