48% sa mga Pinoy, takot maglakad sa kalye tuwing gabi—SWS

48% sa mga Pinoy, takot maglakad sa kalye tuwing gabi—SWS

NASA 56 percent ang mga nagsasabi na takot sila sa burglary o panloloob ng bahay ayon sa Social Weather Stations (SWS).

48 percent naman ang nagsasabing takot silang maglakad sa kalye ng gabi batay sa pinaka-latest result mula sa isinagawang survey ng SWS sa 1,200 respondents noong Setyembre 14 hanggang 23.

Sa kabilang banda, 6.1 percent sa respondents ay nagsasabing biktima sila ng common crimes kabilang na ang pangdurukot, pagnanakaw ng personal na ari-arian, carnapping, break-in, at physical violence.

Mas mataas ito kumpara sa 3.8 percent na resulta noong Hunyo.

Samantala, sa kaparehong survey, 7.2 percent ang nagsasabi na nakararanas sila ng cybercrime gaya ng online scam, account hacking at cyberbullying.

Mas mataas din ito kumpara sa 3.7 percent na resulta sa survey noong Hunyo ngayong taon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter