5 Chinese nationals inaresto sa Cebu

5 Chinese nationals inaresto sa Cebu

INARESTO sa Cebu ang limang Chinese nationals kabilang ang isa na nagpanggap na Pilipino dahil sa ilegal na pagtatrabaho sa bansa.

Ayon ito sa Bureau of Immigration nitong Lunes, Mayo 19, 2025.

Ang nagpanggap na Pilipino ay nakakuha pa ayon sa ahensiya ng driver’s license, birth certificate, at nakapagpa-rehistro ng kompanya gamit ang kaniyang pekeng Pilipinong pangalan.

Ang tatlong iba pa ay mayroong work visa ngunit nagtatrabaho sa kompanyang iba sa nakasaad sa kanilang permit dahilan para arestuhin ito.

Ang isa naman ay wala talagang work visa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble