5 empleyado ng isang resort sa Bali, nasawi matapos bumagsak ang sinakyang elevator

5 empleyado ng isang resort sa Bali, nasawi matapos bumagsak ang sinakyang elevator

NASAWI ang limang empleyado ng Ayuterra Resort sa Bali, Indonesia matapos maputol ang cable ng sinasakyang elevator.

Dalawang lalaki at tatlong babae mula sa housekeeping department ng resort ang naitalang nasawi.

Sa isang pahayag, na-overload ang elevator dahilan kaya naputol ang cable nito.

Samantala, handa namang sagutin ng may-ari ng resort ang gastusin ng libing ng mga nasawing empleyado at pangangailangan ng pamilya ng mga biktima.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble