5 katao sa South Mexico, patay dahil sa pag-inom ng “power” potion

5 katao sa South Mexico, patay dahil sa pag-inom ng “power” potion

NASAWI ang lima katao sa Oaxaca, Southern Mexico matapos uminom ng isang poison potion para sa isang tinatawag na Santeria “power” ritual.

Hindi na idinetalye pa ng mga awtoridad kung ano ang mga pinaghalong sangkap para sa potion subalit ang layunin nito ay para umano magkaroon ng kapangyarihan.

Ang mga biktima ay apat na lalaki at isang babae at batay sa imbestigasyon ay magkamag-anak ang lima.

Natagpuan ang mga labi nito noong Abril 27, 2024.

Ang Santeria ay isang paniniwala na nagsimula sa Cuba.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble