5 lugar sa bansa, nakapagtala ng ‘dangerous’ heat index sa araw ng Linggo—PAGASA

5 lugar sa bansa, nakapagtala ng ‘dangerous’ heat index sa araw ng Linggo—PAGASA

NAKAPAGTALA ng mapanganib na heat index ang limang lugar sa bansa nitong araw ng Linggo, Marso 31.

Sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang naturang mga lugar ay ang Catarman sa Northern Samar na nakapagtala ng 45 degrees Celsius, na sinundan ng Central Bicol State University of Agriculture sa Pili Camarines Sur at Aparri sa Cagayan na parehong nakapagtala ng 44 degrees Celsius.

Nakapagtala naman ng 43 degrees Celsius ang Zamboanga City habang 42 degrees Celsius naman ang heat index na naitala sa Daet sa Camarines Norte.

Bukod sa limang lugar na nasa ‘dangerous’ level ng heat index, malaking bahagi naman ng bansa ang nanatili sa ilalim ng ‘extreme caution’ level.

Batay sa PAGASA, ang extreme level naman ay nasa 33 hanggang 41 degrees Celsius habang ang dangerous level ay kapag ang heat index ay aabot sa 42 hanggang 51 degrees Celsius.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble