MULING nagpulong ang 5-man advisory group nitong Miyerkules para ipagpatuloy ang evaluation process ng third-level officers ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Redrico Maranan, umabot na sa 217 police colonels at generals ang naproseso ng advisory group habang ang natitirang higit 600 opisyal ay nakatakdang suriin sa darating na Linggo.
Sinabi ni Maranan na hindi tanggapin ang courtesy resignation ng isang opisyal kung makikita sa pagsusuri o walang impormasyon na may kinalaman ito sa iligal na droga at upang maipagpatuloy ang kanyang pagseserbisyo sa PNP.
Habang ang opisyal na may derogatory information ay isasailalim sa susunod na layer ng pagsisiyasat ng National Police Commission (Napolcom), at pagkatapos ay idadaan sa karagdagang validation at imbestigasyon.
Nabatid na target ng advisory group na tapusin ang screening sa lalong madaling panahon at tiniyak na magiging patas ang kanilang gagawing pagsiyasat sa mga opisyal.