5 Persons of Interest sa pagkawala at pagpatay sa beauty pageant contestant at fiancé nitong Israeli, nasa kostudiya na ng PNP

5 Persons of Interest sa pagkawala at pagpatay sa beauty pageant contestant at fiancé nitong Israeli, nasa kostudiya na ng PNP

KINUMPIRMA mismo ni PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo na hawak na ng pulisya ang 5 Persons of Interest (POI) sa kaso.

Aniya, 2 dating Pulis ang naaresto kahapon ng madaling araw habang 1 ang naaresto kamakalawa na pawang nahaharap sa mga kasong illegal possession of firearms at may 2 pang POI na nauna na ring nadakip ng Pulisya.

Pero sinabi ni Fajardo na posibleng madagdagan pa ito dahil may 2 pang kasabwat ang kasalukuyang tinutugis ng SITG at ng CIDG.

Nitong Sabado, natagpuan ng mga awtoridad ang dalawang bangkay ng hinihinalang katawan nina neva Lopez at Yitshak Cohen sa isang quarry site sa Brgy. Sta. Lucia, Capas, Tarlac.

Kapwa naman tiniyak ni DILG at PNP na makukuna na ang katarungan sa pamilya ng Beauty Pageant contestant at Fiancé nitong Israeli national

Sa kaniyang panig, pinapurihan ni Marbil ang binuong Special Investigation Task Group (SITG) para magkaroon ng liwanag sa kaso at nanindigan sila sa pagsusulong ng katarungan kina Lopez at Coher.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble