NASA 51 na ang drug suspects na naaresto sa Davao City mula Marso 22-Abril 1, 2024. Kasunod ito sa pagdeklara ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte ng war on drugs sa lungsod.
Sa record ng local police, sa 45 na anti-drug operations ay nasa 331.3 grams ng shabu na may street value na P2.25-M ang kanilang nakumpiska.
Nasa P15-K (P15,057) rin ang street value ng kanilang nakuhang marijuana leaves.