DUMATING na bansa ang panibagong batch na doses ng sinovac COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno.
Ayon kay vaccine Czar Carlito Galvez Jr., nasa 500,000 doses mula China na sinovac vaccine ang darating ngayong araw, Mayo 20.
Makakatanggap din aniya ang Pilipinas ng karagdagang 4.5 million sinovac vaccine kada buwan mula Hunyo hanggang Agosto.
Batay sa vaccine scheduled deliveries na iprinesenta ni Galvez, inaasahang maidedeliver din sa bansa ngayong buwan ang 2.2 milyong doses ng Pfizer vaccine na mula COVAX facility at 1.3 milyong doses ng Sputnik V.
Habang nasa mahigit 10 milyong doses ng bakuna ang inaasahang darating sa bansa sa Hunyo kasama na ang sinovac vaccine.