KINUMPIRMA ng Department of Labor and Employment (DOLE) na umabot na ng mahigit sa P5-B ang ipinagkaloob sa halos kalahating milyong overseas Filipino workers (OFWs) sa pamamagitan ng Abot Kamay ang Pagtulong o AKAP Program.
Ang AKAP ay isang beses na ayudang pinansiyal sa kwalipikado at apektadong OFW na nagkakahalaga ng P10,000.
Samantala maliban sa AKAP ay ibinibigay din ng DOLE ang tulong pinansiyal, pagkain at mga gamot sa mga OFWs na naapektuhan ng COVID-19.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na sa kasalukuyan ay umabot na sa US$1.93 million na cash assistance ang naibigay ng DOLE sa 9,667 OFWs na nagkasakit dahil sa coronavirus.
(BASAHIN: Mahigit 500-K displaced OFWs dahil sa COVID-19, naiuwi na sa probinsiya)