MAARING paikliin ng gobyerno ng Hong Kong ang 21 araw na quarantine para sa mga nabakunahan na kontra COVID-19.
Inihayag ni David Hui Shu Cheong tagapayo ng gobyerno ng Hong Kong na isinasaalang – alang ng gobyerno na paikliin ang haba ng quarantine sa mga nabakunahan na upang ang mga negosyante sa ibang bansa ay mabilis na makapasok sa lungsod.
Ang mga manlalakbay na papasok ng lungsod ay kinakailangang sumailalim sa 21 araw na quarantine at dadaan sa 3 pagsusuri sa virus sa kanilang pagdating, at ikakatigurya ang mga ito sa mataas, kalagitnaan o may mababang peligro.
Ang mga nabakunahang manlalakbay naman ay isasailim sa 14 na araw na quarantine habang 7 araw naman sa mga lugar na nagmula sa may mababang bilang ng kaso ng COVID19.
Dagdag pa ni Hui na kamakailan lang ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ay nananatiling mababa at ang COVID-19 4th wave ng lungsod ay malapit ng matapos.
Samantala, iminungkahi din ni Hui na luluwagan ng gobyerno ang social distancing measures kung walang maitalang kaso sa mga susunod na araw.
(BASAHIN: Pasaherong nagpositibo sa new variant COVID-19 sa Hong Kong na bumiyahe mula Pilipinas, isang OFW)