IDINAOS sa Pilipinas ang ika-apat na Philippines-United States 2+2 ministerial dialogue na ginanap sa Malakanyang nito lang Hulyo 30.
Dito tinalakay ang iba’t ibang oportunidad na magpapatibay sa alyansa ng Pilipinas at bansang Amerika at isa na nga rito ang pagpapalakas ng puwersa ng militar.
At isa nga sa ibinida ng mga Amerikano ay ang USD 500-M umano na military aid para sa Pilipinas.
Ngunit para sa international relations scholar na si Ms. Sass Rogando Sasot, ang naturang halaga na tulong umano at ipinagmayabang ng Estados Unidos ay hindi pa ganap na batas.
Sa programang Makialam ng SMNI Radio, ipinaliwanag ni Sasot na hindi pa naaaprubahan ng US Congress ang nasabing ayuda.
“’Yang 500 million na ‘yan ay hindi pa ‘yan naaprubahan ng US Congress, ‘yan ang totoo, kaya nga pagtinignan mo yong statement ni Austin, sabi niya we are working with US Congress to allocate 500 million in 4 military financing in the Philippines. We are working with US Congress walang sinabi dito na na-approved na siya ng US Congress,” ayon kay Ms. Sass Rogando Sasot, International Relations Scholar.
Ang parehong tinutukoy ni Ms. Sasot at ni US Defense Secretary Lloyd Austin na USD 500-M ay ang Philippines Enhanced Resilience Act (PERA) Act na hindi pa natatalakay ng mga mambabatas sa Amerika.
“Ngayon titignan natin kung ano na nangyari dito sa bill na ito regarding the 500 million, ang tawag kasi dito is PERA Act,” giit ni Sasot.
“So ‘yong mga nakakaalam sa proseso ng pagpasa ng batas nire-reffer pa lang ito sa committee noong April 2024 and pagtinignan natin ang history ng batas sa website ng US Congress ‘yon pa lang ang action, it was referred to Committee on Foreign Relations ng US Senate,” aniya.
Kaya para kay Ms. Sasot, ang USD 500-M ay malabo nang matanggap ng Pilipinas dahil kung seryoso ang Amerika sa kanilang sinasabi na iron clad commitment nila sa ating bansa ay dapat dumaan na ito sa diskusyon.
‘Yun nga lang dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito pinapansin ng mga mambabatas.
Idagdag pa rito ang napipintong eleksiyon sa Amerika at ang posibleng pagpapalit ng liderato kaya ang inaasam-asam na USD 500-M na ayuda ay malabo na aniyang matanggap ng Pilipinas.
“Bakit wala pang Senate hearing eh April pa ito pinasa, eh ano na ngayon anong petsa na? Kelan ang US election? November ang US election, January may bago nang presidente, wala nang panahon diyan, wala nang panahon diyan ang US Congress, itong nangako sayo si Blinken at Austin they …. Be anymore,” giit pa nito.
Kaya sa huli, sinabi ni Ms. Sasot na niloloko lang tayo ng sarili nating gobyerno kasabwat ang mainstream media.