INAASAHANG 500 swimmers ang sasali sa “One for All-All for One Championships ng Congress of the Philippine Aquatics (COPA)-National Capital Region.
Gaganapin na ito ngayong linggo sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.
Ang event na ito ay paghahanda na rin sa isasagawang national tryouts sa Agosto 15-18.
Ang kwalipikadong swimmer sa tryouts ay para naman sa Southeast Asian age group championship ngayong Disyembre.