519.93 metric tons na barya hindi na dapat gamitin –BSP

519.93 metric tons na barya hindi na dapat gamitin –BSP

HINDI na dapat gamitin ang tinatayang 519.93 metric tons na barya matapos ito isinailalim sa defacement ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang mga naturang barya ay unfit, demonetized, mutilated at counterfeit (UDMCE) dahil idinaan ito sa defacement.

Ang defacement ay isang proseso para sirain ang barya para mawalan na ito ng halaga.

Nakasaad sa Republic Act No.7653 na inamyendahan ng RA No.11211 na sisirain ng BSP ang mga Philippine banknotes at mga barya na unfit, mutilated at mga nakumpiska.

Kaugnay nito isusulong din ng BSP ang panukalang magbibigay ng karampatang parusa laban sa mga nagtatago ng sobra-sobrang barya.

Follow SMNI NEWS in Twitter